Tsinelas
Teka muna tila napapagod na
Paglalakbay ko tungo san ba?
Tila ba akoy inaabuso
Pagkat akoy bagay lang na di siniseryoso.
Sa putikan akoy inilublub
Di alintana sama ng loob
Tila ba akoy sanay na
Sa mainit at mahabang kalsada.
Konting kaginhawaan aking inaasam
Bigyan pansin at halaga
Ako man ay isang hamak na tsinelas lang
Gamitin mo sa ayos akoy di magkukulang.
Kelan ba hihinto pag-ikot ng mundo
Maaring bukas akoy wala na dito
Sa basurahan akin ng nakikita
ako'y pigtas at pudpud na.
Paalam na ako'y wala ng silbi
Baon ko sayo'y isang mensahe
Wag sanang mawalan ng pag-asa
Gaano man kahaba ang biyahe.
Credits to the owner of this photo |
Comments
Post a Comment