Ang dulo ng bahaghari
Inakalang ikaw at ako na hangang sa hinaharap
Ngunit may tuldok ang bawat pangungusap
Inakalang ika'y mananatili
Ngunit may dulo pala ang bahaghari.
Dati rati'y puno ng saya
Ba't ngayo'y puro lungkot at luha?
Dati rati'y ang init ng iyong mga lambing
Ba't ngayo'y wala ka na saking piling?
Pinilit kalimutan init ng iyong halik
Ngunit mga ala-ala'y lagi na lamang bumabalik
Sinubukang magmahal ng iba
Ngunit sa puso at isip ikaw lang ang nag-iisa.
Binago ng pag-ibig ang inosenteng puso
Damdaming nag-aalab tila ba napaso
Manhid na puso takot ng magmahal
Sa pag-ibig di na muling susugal.
Bumulong sa hangin ika'y mahal pa rin
Hinihiling sana sa iyo ito ay makarating
Kahit ako ay limot mo na
Hangad ko pa rin ang kaligayahan mo sinta.
Comments
Post a Comment