Ito ang aking payo
Wag sa guwapo
Bukas makalawa iba na gusto
dun ka lang sa sakto
para feelings mo di ma-uto.
Sa pangit maging alerto
Sila'y magaling manloko
Papangakuan ka ng libo-libo
Binobola ka lang pala ng todo-todo.
Pwede na sa chinito
Dun sa crush mong Koreano
Wag ka lang pasisiguro
Baka yan maraming bisyo.
Ingatan mo iyong puso
Nag-iisang lamang ito
Pag yan di na nabuo
Tiyak mahaba-habang inuman 'to.
Makinig ka sa king payo
Marami ng sumubok ngunit nabigo
Sige ka pag mundo mo'y nagulo
Maalala mong mga sinabi ko.
Google Photo |
Comments
Post a Comment