Ala-ala

Mga gabing di na tulad ng dati

Lumalamig dahil wala ka na sa aking tabi

Sa bawat pagsilip sa mga bituin

Panalangin ko sanay andito ka rin.

 

Umupo sa isang tabi

Malayo ang tingin pagkat iniisip ka

Mga matay nalulumbay pagkat ika'y na aalala

Di maiwasang malungkot kapag nag-iisa.

 

Ngunit ang kahapon ay kailangan ng kalimutan

Larawan mo sa pitaka ay kailangan na ring lukutin

Mga damdaming dapat ng ibaon

Pagkat ikaw at ako ay ala-ala na lang ng kahapon.




Comments

Popular Posts